Mga operator ng public transport, binalaan ng QC-LGU na babawian ng business permits kapag hindi sumunod sa health protocols

Nagbanta si Quezon City Mayor Joy Belmonte na kakanselahin ang business permit ang mga operators at kompanya ng public transportation companies kapag lumabag sa minimum health protocols.

Partikular na tinukoy ni Belmonte ang buses, jeepneys, tricycle, taxis, at iba pang transportation companies na nakarehistro sa Quezon City Local Government Unit (LGU).

Naglabas ng kautusan si Belmonte, matapos makarating sa kanyang kaalaman na maraming public utility vehicles ang nagiging kampante na at hindi na sinusunod ang health protocols, partikular ang physical distancing.


Sa kanyang inilabas na Executive Order, iginiit ng alkalde ang paggamit ng face masks at faceshields ng lahat ng pasahero at physical distancing na isang metro ang pagitan ng bawat pasahero at ang regular na pag-disinfect sa loob ng sasakyan.

Ang pagbawi o kanselasyon ng business permit ay bukod pa sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.

Facebook Comments