Kahit pa nasa pitumpung porsyento na sa mga operators at drivers ng jeep ang sumasama sa kooperatiba para sa programang jeepney modernization ng pamahalaan ay may mga iba pa ring walang sinasalihan dahil sa pagkakaroon ng ilang konsiderasyon.
Kaya naman patuloy na hinikayat ng pamahalaan ang mga ito na sumama o di kaya ay bumuo na ng kooperatiba banh sa gayon ay masama sa inilulunsad na programa para sa mga ito.
Ayon sa ilang mga operators at jeepney drivers sa Dagupan City na hindi muna sumasama sa mga kooperatiba, nahihirapan sila sa pagdedesisyon lalo at may nakasalalay muli na babayaran sabay sa gastos sa bahay at pag aaral ng mga bata.
Di rin umano nila alam kung hanggang saan nila kakayanin ang pagbubuno muli na mabayaran ang mga modern jeepneys kahit pa may ipapamahaging tulong pinansyal ang pamahalaan.
Samantala, ngayong linggo makikita ang pagsasaayos muli sa ipinatutupad na panuntunan sa programang jeepney modernization kung saan mula sa 160,000 pesos na halaga ay magiging 280,000 pesos na ang ipamamahaging tulong ng pamahalaan para sa mga kooperatiba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments