Mga opisyal at gov’t agencies na may kinalaman sa pagtakas ni Alice Guo, dapat maparusahan

Iginiit ni Manila 3rd District Representative Joel Chua na dapat managot ang sinumang kawani ng airport at Immigration ang hindi nag-isip, o baluktot ang isip at hinayaang makatakas si Alice Guo.

Punto pa ni Chua, sa dami ng mga kasong isinampa laban kay Guo ay dapat mayroon na itong hold departure order kaya malaking tanong kung paanong nagamit pa nito ang Philippine passport para makatakas.

Ayon kay Guo, kailangang may managot na opisyal ng pamahalaan at asahan na nilang dadaan sa butas ng karayom ang pagsalang ng budget ng kanilang ahensiya sa deliberasyon ng Kamara.


Bukod dito ay pinapasamsam na rin ni Chua ang lahat ng pera at ari-arian sa Pilipinas ni Guo at kaniyang mga kasabwat.

Ayon kay Chua, lahat ng hahadlang dito para paboran si Guo ay kailangang matukoy, kasuhan at usigin sa Korte.

Facebook Comments