Mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity, sinuspinde ng UST

Manila, Philippines – Sinuspinde na ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity matapos na mapatay sa hazing si Horacio Tomas Castillo III.

Base sa memorandum order 2017 September 18-01 na ipinalabas ni Dean Atty. Lino Divina, preventive suspension ang pinataw na kaparusahan sa mga miyembro at opisyal ng Aegis Juris Fraternity.

Dahil ditto, hindi pinayagan na makapasok sa campus o maging sa klase nila ang mga miyembro at opisyal ng Aegis Juris Fraternity habang ginagawa ng pamunuan ng UST ang kanilang sariling imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni castillo.


Pinaghahanap na rin ng MPD ang 2 opisyal ng Aegis Juris Fraternity na sina master initiator Axel Hipe at president na si Alvin Balag kung saan nais malaman ng pulisya kung ano ang tunay na nangyari kay Castillo.

Magsasagawa naman mamaya ng prayer vigil ang lahat ng mga civil law student ng UST upang ipanalangin ang pagkamatay ng kanilang kasamahang estudyante kung saan mariing tinututulan naman ng mga magulang ni Castillo ang naturang prayer vigil dahil ang kanilang kailangan umano ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak at hindi ang prayer vigil.

Facebook Comments