
Pinamamadali na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagsasaayos ng tulay sa Samar na anim na taon nang hindi napakikinabangan.
Kasunod ito ng isinagawang inspeksiyon ng kalihim sa Gandara Bridge sa Samar kung saan napag-alaman na hindi pa rin naaayos ang gumuhong tulay.
Inireklamo ng kapitan ng barangay kay Dizon na matagal nang nagtitiis ang mga residente kung saan doble-doble pa ang gastos ng mga ito sa pamasahe.
Iniutos naman ni Dizon na tapusin ang pagsasaayos hanggang sa susunod na taon upang hindi na makaperwisyo pa.
Bago niyan, ininspeksiyon ng kalihim ang ginagawang Calbayog Coastal Road Project kung saan nadiskubreng walang maayos na koordinasyon sa Philippine Ports Authority (PPA).
Ibinabala ni Dizon na maaaring kasuhan ang mga opisyal at tauhan ng DPWH kapag napatunayang nagpabaya ito sa mga proyekto.










