Mga opisyal na hindi magsumite ng courtesy resignation, hindi pa rin lusot sa imbestigasyon

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na iimbestigahan pa rin ang mga opisyal ng PNP na hindi magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., dahilan ng karamihan sa mga hindi pa nagsumite ay maabutan na rin sila ng pagreretiro sa serbisyo.

Pero nilinaw ng PNP chief na kung hindi man sila mapabilang sa mga nagsumite ng courtesy resignation na iimbestigahan ng 5-man committee, ang PNP mismo ang sisilip kung may kaugnayan sila sa iligal na droga kahit retirado na sila.


Paliwanag ni Azurin, awtomatikong makukuha ng mga naturang opisyal ang kanilang mga benepisyo kapag magretiro sila, pero kapag may makalap na ebidensya laban sa kanila ay kakasuhan pa rin at ipapatigil ang kanilang mga benepisyo.

Sa ngayon nananatiling 11 opisyal ang hinihintay na magsumite ng courtesy resignation bago ang January 31 deadline.

Facebook Comments