Mga opisyal na nagsagawa ng maanomalyang buy-bust sa pampanga noong 2013, nagisa sa senado

Pinasususpendi ni Sen. Risa Hontiveros ang lisensya ni New Bilibid Prison Hospital Medical Officer Ursicio Cenas.

 

Ito ay matapos mabunyag sa pagdinig ng senado ang hospital pass for sale para sa mga high-profile convicts para manatili ng matagal sa ospital.

 

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon, iginiit ni Hontiveros na isang malaking kahihiyan, kalokohan at pambabastos sa correctional system ng bansa ang hospital pass for sale scam.


 

Sinabi pa ni Hontiveros na ang Philippine Correctional System ang may pinakamataas na congestion rate sa buong mundo na pumalo sa 605 percent na mas mataas sa bansang Haiti na mayroong 320 percent.

Facebook Comments