Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga ulat na ilang local officials ay hinaharang ang mga hakbang ng national government na linisin ang top beach destinations sa bansa.
Ito ang tugon ng DILG matapos ihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na may ilang opisyal na pinipiginal ang clean-up at rehabilitation ng mga beach.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – inatasan na ni Sec. Eduardo Año ang mga field offices na agad imbestigahan ang mga ulat mula sa Department of Tourism (DOT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Hindi mag-aatubili ang DILG na kasuhan ang mga opisyal na hadlang sa kampanya ng gobyerno.
Suportado rin ng DILG ang rekomendasyon ni Puyat na i-take over ang tourism sites, tulad sa Boracay, na hindi tumatalima sa environment at iba pang batas.