Mga opisyal na sangkot din sa agricultural smuggling, dapat ding papanagutin ayon sa isang senador

Hiniling ni Senator JV Ejercito na papanagutin ang mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nagpabaya sa smuggling ng agricultural products.

Ang hirit ng senador ay kasunod na rin ng napuna nito na naging aktibo lang naman sa raid at pag-iinspeksyon ng mga bodega o warehouses ang Bureau of Customs (BOC) nang i-take over ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Agriculture (DA).

Giit ni Ejercito, nang ipasa at maisabatas ang Anti-Agricultural Smuggling Law ay wala man lang nahuling “big fish” sa smuggling ng mga produktong agrikultural ang BOC.


Tinitingnan ng senador na silipin ang posibleng kapabayaan ng mga opisyal ng BOC, DA at Sugar Regulatory Administration (SRA) na posibleng nagbulag-bulagan sa isyu ng smuggling.

Inirerekomenda rin ni Ejercito na pag-aralan ang pagsasampa ng kaso kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga opisyal na responsable dapat sa pagpigil ng agricultural smuggling.

Naniniwala pa ang mambabatas na parehong mga indibidwal o opisyal ang lulutang ulit ang mga pangalan na nagkaroon ng pagkukulang para sa pagtiyak ng food sufficiency at paglaban sa smuggling ng mga produktong agrikultural.

Facebook Comments