Opisyales sa North Carolina, nagbabala sa ‘Zombie snakes’

396
Image via Yahoo

Nagbabala ang mga opisyal sa North Carolina sa mga ‘Zombie snake’ umanong nagpapanggap na patay ngunit tiniyak namang ito’y ‘harmless’ o hindi venomous.

Ibinahagi ng North Carolina State Parks and Recreation ang mga litrato ng mga ‘zombie snake’ na nagkukunwaring patay upang depensahan ang sarili.


Ang mga hognose snake na ito ay parang cobra ang anyo at mayroong kulay na gray o brown, kadalasan ding may spots.

Kapag nararamdaman nito na malapit ang kalaban, ibubuka nito ang bibig at ililigid ang likod na magmimistulang patay ang itsura.

Una nang pinahayag noon na nakakamatay ang hininga nito ngunit binawi ring hindi ito nakakamandag.

Ayon sa Amphibian and Reptiles North Carolina, bihirang manuklaw ang mga ganitong uri ng ahas ngunit posible rin itong umatake ng paulit-ulit.

Facebook Comments

From Advertisers