Manila, Philippines – Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla na susundin nila ang anomang hingin ng Korte Suprema kaugnay sa oral arguement sa Martial Law.
Ayon kay Pandilla, ipadadala nila ang lahat ng kailangang opisyal para masagot ang mga katanungan ng mga mahistrado ng Korte Suprema.
Nabatid na nagsimula kahapon ang Oral Argument sa korte suprema matapos magsampa ng petisyon ang ilang grupo na kumukuwestiyon sa legalidad ng idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Binigyang diin pa ni Padilla na maging sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Eduardo Ano ay handang humarap at magsalita sa harap ng mga mahistrado ng Korte Suprema para sagutin ang mga kayanungan ng mga ito.
DZXL558, Deo de Guzman