Mga opisyal ng barangay, pinagbabawalang sumama sa mga kampanya sa oras ng trabaho

Isang araw bago ang pagsisimula ng kampanya para sa local na halalan, nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga opisyal ng barangay na hindi pwedeng sumali sa mga aktibidad pangpolitika kapag oras ng trabaho.

Sa forum ng Meet the Manila Press ngayong Miyerkules, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na bagama’t pinapayagan ang mga ito na sumama sa pangangampanya ay hindi naman pinahihintulutan sa oras ng trabaho.

Mahigpit din aniyang ipinagbabawal ang paggamit ng resources o kagamitan na pag-aari ng gobyerno.


Samantala, hindi naman pagbabawalan ang mga barangay official na magsuot ng damit na sumusuporta sa isang kandidato at pag-akyat ng entablado sa kampanya.

Bukas ang unang araw ng campaign period para sa mga lokal na kandidato o mga tumatakbo mula gobernador hanggang sa mga konsehal.

Facebook Comments