Mga Opisyal ng Barangay, Pinaringgan ng Isang Residente Matapos na Maaktuhang Nagsusugal ang isang Tanod!

Cauayan City, Isabela- Idinaan sa social media ng isang residente ang pagtawag ng pansin sa mga opisyal ng barangay kaugnay sa madalas na naaaktuhang pagsusugal ng isang barangay Tanod sa Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela.

Batay sa post sa social media ng isang 21 taong gulang na babae na itinago sa pangalang “Jenny”, sinabi nito na: “Para po sa kaalaman ng lahat may tagapatupad ng batas na sila mismo ay nilalabag ito, tulad na lamang ng isang brg. Tanod saamin na nagsususgal pero hindi nila pinapatawan ng parusa,. Ano nganga nanaman tayo. Gising mga official namin sa Maluno Norte Benito Soliven”.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Jenny, dati na aniyang nakikita na nakikipagsugal sa mga sibilyan ang kanilang brgy. Tanod na kinilalang si Joel Julian kahit na umiiral ang Enhanced Community Quarantine.


Noong March 22, 2020 lamang aniya nito huling nakita ang Tanod na nagsusugal kasama ang dalawang sibilyan sa ilalim ng puno ng Kaymito.

Ayon kay Jenny, nais lamang niya na mabigyan ito ng aksyon ng kanilang mga opisyal ng barangay upang hindi pamarisan ng iba.

Kaugnay nito, nakiusap ang mga kagawad kay Jenny na burahin nito ang kanyang post sa social media subalit tumanggi ito sa kanilang kagustuhan.

Facebook Comments