Mga opisyal ng barangay sa dalawang bayan sa Capiz isinailalim sa drug test ng PDEA 6

110

Panit-an, Capiz – Nasa 520 na opisyal ng barangaysa dalawang bayan sa Capiz ang isinailalim sa drug test ng PDEA 6 kaninangumaga, ito ang kinumpirma ni Liga ng mga Barangay Federation President LiliaDemalata.
Ayon sa kanya, isinagawa ang drug test sa Panit-anCultural Center kung saan nagtipon doon ang mga opisyal ng barangay mula sabayan ng Panit-an at Pontevedra. Pinangunahan ng PDEA 6 at PNP CrimeLaboratory  ang pagkuha urine samples ngmga opisyal.
Sinabi din nito na sa pamamagitan ng nasabingprograma, maipakita ng mga opisyal ng barangay na hindi sila gumagamit ng iligalna droga at seryoso ang kanilang kampanya laban dito.
Nagpapasalamat naman si Demalata na binigyan ngpansin ng mga opisyal ang pagsasailalim sa drug test kung saan nasa 100 percentang kanilang attendance.
Wala pang ibinigay na schedule kung kalian gaganapinang drug test sa iba pang bayan sa lalawigan ng Capiz.

 

Facebook Comments

From Advertisers