Mga opisyal ng Baranggay ng Datu Salibo pinagbabaril sa Datu Saudi Ampatuan Area

Sugatan si Bayan Salik, 46 years old, isang Brgy Consultant ng Brgy. Sambolawan Datu Salibo Maguindanao matapos pagbabarilin ng di natukoy na mga responsable sa bahagi ng Brgy Dapiawan Datu Saudi Ampatuan, alas dose kurenta kahapon ng tanghali.
Sa panayam ng DXMY kay PCpl Samloyd Untong, Case Investigator ng Datu Saudi Ampatuan MPS, sakay ng Tamaraw FX na minamaneho ni Datu Salibo President Abdulwariz Zailon si Salik patungo ng Cotabato City.
Ngunit pagsapit sa Brgy. Dapiawan Area ay bigla na lamang silang pinagbabaril. Nagtamo na tama ng di natukoy na kalibre si Salik sa kanyang kanang kamay, habang hindi naman napano si ABC Pres Zailon.
Agad na naisugod sa hospital si Salik habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa kasong ito.
DAS MPS Pic

Facebook Comments