Umaasa ang mga opisiyal ng Brgy. 179 sa Pasay City na sa mga susunod na araw ay makakatuwang nila ang DZXL Radyo Trabaho sa paglulunsad ng kanilang mga programa.
Ayon kay Brgy. 179 Chairman Evan Basinillo, nais nila na makasama ang DZXL Radyo Trabaho sa pagtutok sa ilan nilang nakalatag na programa para sa mga bata at senior citizens.
Sinabi pa ni Chairman Basinillo, malaking bagay ang ginawang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho dahil matutulungan ang ilang mga kabataan sa kanilang barangay na magkaroon ng hanapbuhay sa mga susunod na araw.
Ikinatuwa naman ng mga residente ang natanggap na wall clock at nagpapasalamat sila dahil mayroon na silang souvenir mula sa DZXL Radyo Trabaho.
Bukod naman dito sa Brgy. 179, nagtungo rin kanina ang DZXL Radyo Trabaho Team sa Brgy. 186, 184 at 180 kung saan abangan muli ang ating grupo sa mga susunod na araw sa ibang barangay sa ilang lungsod sa Metro Manila.