Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Malacañang na isailalim sa lifestyle check ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Correction o BuCor.
Panawagan ito ni Castro sa harap ng itinatakbo sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o Percy Lapid kung saan matapos sumuko ang gunman ay namatay naman sa loob ng New Bilibid Prison ang sinasabing “middleman” o ang nakipag-ugnayan sa gunman.
Nakakapagtaka para kay Castro ang sinasabing mga ‘twists’ sa Percy Lapid case na nagpapakita na mas malalim pa ang pinag-uugatan ng krimen.
Naniniwala si Castro, na nakanti ni Lapid ang kaibuturan ng problema o umano’y mga anumalya sa BuCor ng hilingin nito na isailalim sa lifestyle check ang BuCor officials.
Ayon kay Castro, sa pamamagitan ng lifestyle check ay matutukoy kung sangkot sa ilegal na aktibidad ang mga opsiyal ng BuCor.