Mga opisyal ng BuCor, mananatili sa kanilang pwesto habang nagpapatuloy ang legislative investigation

Mananatili sa kani-kanilang pwesto ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito’y sa kabila ng kinakaharap na kontrobersiya hinggil sa pagpapalaya sa mga presong nasangkot sa karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, binabantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umuusad na imbestigasyon sa Kongreso at bibigyan ng konsiderasyon ang magiging resulta nito.


Giit pa ni Panelo, nasa kamay na ni Pangulong Duterte ang desisyon ukol sa magiging kapalaran ni BuCor Chief Nicanor Faeldon.

Ipapaubaya na rin niya kay Faeldon na rin kung nais nitong magbitiw sa kanyang pwesto.

Facebook Comments