Manila, Philippines – Matinding paggisa at pagsasabon ang inaabot ngayon mula sa mga senador ng mga opisyal ng Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay sa paglusot sa Customs ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu galing China.
Hindi kasi nila maidepensa kung paano nakalusot sa Customs ang nabanggit na kontrabando na dumaan pa sa green lane at deklaradong general merchandise tulad ng mga kitchenwares.
Ang nasabing shipment ay dumating sa bansa nitong May 17 at nailabas sa Customs noong May 23.
Nakatanggap ng timbre mula sa kanilang counterpart sa China ang Customs kaya isiangawa ang raid sa dalawang warehouse sa Valenzuela na matatagpuan sa Aster Street, Paso De Blas at F. Bautista Street sa Ugong noong May 26.
Sa warehouse ay tumambad ang 5 metal cylinders na naglaman ng shabu na nakalagay sa plastic na umaabot sa 605 kilo.
Paliwanag lang ng BOC, may detalye daw kasing hindi naincode sa shipment ang BOC risk management office na pinamumunuan ni Larribert Hilario kaya ito ay na-divert sa green late at nakalabas ng Customs na hindi na-xray at nasuring mabuti.