Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng China Communications Constructions Company (CCCC) Limited sa Malacañang kaninang umaga.
Ang CCCC ay pinangunahan ng kanilang Chairperson na si Wang Tongzhou.
Napag-usapan sa ginawang pagpupulong ang mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa at paglalatag ng mga plano sa iba pang proyektong pang-agrikultura.
Ang CCCC ay nakabase sa Beijing, China na nasa ilalim ng pangangasiwa ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission of the State Council (SASAC) ng gobyerno ng People’s Republic of China.
Facebook Comments