Mga opisyal ng China, kinausap na ni PBBM kaugnay sa panibagong insidente sa Ayungin Shoal

Kinausap na ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang mga opisyal ng China.

Ito ay para alamin ang panig ng China sa insidente kung saan muntik nang makabanggaan ang mga barko ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa eroplano habang nasa biyahe patungo dito sa Washington D. C., sinabi nito delikado ang nangyariing insidente.


Hindi naman tinukoy ng pangulo kung sino sa opisyal ng China ang kanyang kinausap.

Sinabi pa ng pangulo na kailangan na ang high level communication para maiwasan na ang mga kahalintulad na insidente.

Nakumpleto na aniya ng Pilipinas ang team na tatalakay rito habang hinihintay pa ang panig ng China.

Hirit ng Pangulo sa China, pag-usapan na ang fishing ground sa lugar dahil ito ang prayoridad ng Pilipinas ngayon.

Facebook Comments