Naniniwala ang isang eksperto na dapat nang palitan ang mga opisyal ng Chinese Embassy na nasa Pilipinas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Atty. Jay Batongbacal, Director ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea at maritime expert, nakakadagdag lang sila sa hindi pagkaka-unawaan ng Pilipinas at China.
May mga insidente rin aniyang ginawa ang mga China Embassy na hindi katanggap-tanggap, tulad ng pagbabanta sa mga OFW na nasa Taiwan, pag-deny na tinutukan ng laser ang Philippine Coast Guard, pag-agaw sa debris ng kanilang rocket at ang pag-uutos sa Pilipinas kung ano ang dapat gawin na para anyang itinuturi tayong hindi isang malayang bansa.
Gayundin ang ilegal na pagsisiwalat ng mga sinasabing recording ng secret communication at confidential discussion.
Kaya makakatulong aniya na maplantsa ang gusot sa pagitan ng China at Pilipinas kung papalitan ng matinong kausap ang mga opisyal ng Chinese Embassy.