Mga opisyal ng Colegio de San Lorenzo, humarap na sa DepEd-NCR

Humarap na kahapon sa tanggapan ng Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) ang mga opisyal ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City upang magpaliwanag sa biglaang pagsasara ng eskuwelahan.

Ayon kay CDSL student affairs office director RJ Taganas, sinikap ng eskuwelahan na maabot ang target na bilang ng mga estudyante.

Aniya, nasa 600 na lang kasi ang bilang ng mga nag-enroll sa CDSL, mula sa dating 2,400 na enrollees bago ang pandemya.


Kasunod nito ay unti-unti nang ibinabalik ang bayad ng mga magulang sa matrikula, kung saan 100 sa 600 enrollees sa kolehiyo ang nakatanggap na ng tseke ng kanilang ibinayad.

Samantala, bumuo naman ng task force ang DepEd para tutukan ang naturang insidente, gayundin ang tulong sa mga estudyante at empleyadong apektado ng biglaang pagsasara ng paaralan.

Facebook Comments