Mga opisyal ng COMELEC, nanguna sa walkthrough sa kanilang warehouse sa Laguna para sa deployment ng vote counting machines

Pinangunahan ng mga opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) ang walkthrough sa kanilang warehouse sa Laguna para sa deployment ng vote counting machines at para sa magiging sistema ng canvassing sa halalan sa Mayo 9.

Dumalo rin sa walkthrough ang election watchdogs tulad ng NAMFREL, PPCRV at mga kinatawan ng political parties.

Tiniyak naman ni bagong COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan ang transparency sa halalan kasunod ng mga pagdududa sa hindi raw pagsasapubliko sa mga prosesong ginagawa ng poll body.


Inilabas din ng Komisyon ang timeline para sa delivery ng election supplies na pangungunahan ng F2 Logistics.

Kaugnay nito, sinimulan na ang distribusyon ng VCM batteries, ballot boxes at iba pang election materials.

Habang ang mga VCM at mga balota ay sisimulang i-deploy sa April.

Pinakita na rin ng COMELEC sa publiko ang VCM kit na ide-deploy sa local poll offices sa susunod din na buwan.

Ang VCM kit ay naglalaman ng vote counting machine, sample ballots na gagamitin sa final testing bago ang halalan.

Facebook Comments