Mga opisyal ng Customs na tumanggap ng suhol, pinangalanan na

Manila, Philippines – Pinangalanan ni Customs Broker Mark Taguba ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na tumanggap ng suhol mula sa kanya.

Ito’y sa ginawang pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs kaugnay ng 6.5 billion pesos na halaga shabu na naipuslit ng Pilipinas mula sa bansang China.

Inatasan ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas si Taguba na lapitan at ituro ang mga customs official na tumatanggap ng suhol sa kanya.


Kabilang sa mga tinukoy ni Taguba ay sina: Customs Deputy Commissioner Teddy Raval, Manila International Port District Collector Atty. Vincent Philip Maronilla, Customs Intelligence Director Niel Estrella, Import Assessment Services Director Milo Maestrecampo, Intelligence Officer Teodoro Sagaral.

Aabot sa 27,000 pesos ang halaga ng tinatawag na *‘tara’* para makalabas ang kanilang kargamento na walang aberya.

Sa listahang ibinigay ni Taguba, pinakamalaking napupunta sa import and assessment service o ias sa halagang 10,000 pesos kada container.

Bukod dito, tumatanggap din ng ‘abot-abot’ ang mga Customs police.

Ayon kay Taguba, matagal na itong nangyayari sa Customs.

Itinanggi naman ng mga pinangalanan ni Taguba na may nakukuha silang lagay.

Facebook Comments