Mga opisyal ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry, dapat magbitiw kapag tumaas muli sa P700 ang kada kilo ng sibuyas.

Iginiit ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr., na dapat magbitiw ang mga opisyal ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI) kapag tumaas muli sa 700-pesos ang kada kilo ng sibuyas.

Diin naman ni Ruel Gesmundo, Assistant Director for Regulatory Services ng Bureau of Plant Industry na mayroong sapat na suplay ng sibuyas hanggang Nobyembre.

Binanggit naman ni Agriculture Asst. Sec. Kristine Evangelista na buwanan na silang nagsasagawa ng “price and volume watch” at hindi sila nagdaraos lang ng “stakeholders meeting” kapag may krisis.


Facebook Comments