Mga opisyal ng Department of Tourism nagsagawa ng ocular inspection sa NAIA

Nagsagawa ng ocular inspection ang mga opisyal ng Department of Tourism (DOT) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay MIAA PAO Head Connie Bungag ang ginagawang inspection ng mga official ng DOT ay bilang paghahanda sa gaganapin na World Travel and Tourism Council Conference sa buwan ng Marso, 2022.

Paliwanag ni Bungag na ang DOT ang magiging host, kasunod na rin ito sa pagluwag ng gobyerno sa mga paliparan at muling pagbangon ng turismo at ekonomiya ng bansa.


Sa ngayon kasi ay unti-unti nang tumataas ang bilang ng mga pasaherong papaalis at papasok sa NAIA simula ng ibaba ng gobyerno ang Alert Level 2 sa buong National Capital Region (NCR).

Paglilinaw ni Bungag, hindi pa rin pinapayagang makapasok sa bansa ang mga foreign tourists maliban sa may mga Permanent Residence Visa.

Facebook Comments