Mga opisyal ng DND at UP, nagpulong na para pag-usapan ang 1989 accord

Nagpulong na kahapon ang mga opisyal ng Department of National Defense (DND) at University of the Philippines (UP) para pag-usapan ang unilateral termination ng 1989 accord.

Ang dayalogo ay pinangasiwaan ng Commission on Higher Educatuon (CHED).

Dito pinag-usapan kung paano magtutulungan ang dalawang institusyon at mai-promote ang kanilang hangarin na matiyak ang ligtas na learning environment.


Nagkasundo rin ang DND at UP na magkaroon pa ng mga susunod na pulong para maipagpatuloy ang kanilang dayalogo.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera II, ikinalugod nila paghaharap ng UP at DND dahil napag-usapan ang ilang mahahalagang isyu hinggil sa accord.

Pinasalamatan ni De Vera si Defense Secretary Delfin Lorenzana at UP President Danilo Concepcion sa pagiging bukas na makipag-usap.

“I am happy to bring together UP and DND so that both sides can have an open and frank exchange of views over a wide range of issues related to the accord,” sabi ni De Vera.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, naging maayos ang pag-uusap kung saan nagkaroon ng paliwanagan ang magkabilang panig.

“Sa pag-uusap na iyon nagkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng paliwanagan, ano, ng discussion. And pinag-usapan nila ‘yung way forward and that way forward is patuloy na pag-uusap at engagement para makita ano ba ang puwedeng ma-develop,” sabi ni Arevalo.

Matatandaang ipinawalang bisa ng DND ang accord nito sa UP dahil sa illegal recruitment ng mga rebeldeng komunista sa mga estudyante.

Facebook Comments