MANILA – Pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) matapos makatanggap ng mga balitang mayroong katiwaliang nangyayari sa tanggapan.Ito naman ay matapos ang pagpapakamatay ng isang opisyal ng ERC na si Francisco Villa Jr. dahil umano sa pressure sa mga maanomalyang transaksyon.Ayon kay Pangulong Duterte, magsasampa rin ng mga kaso sa mga hindi pinapangalanang opisyal ng ERC dahil sa katiwalian.Matatandaang si Villa ay chairman ng bids and awards committee ng ERC.Tiniyak naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na iimbestigahan ng mabuti ang nasabing kaso at walang sasantuhin sa gagawing imbestigasyon.
Facebook Comments