Mga opisyal ng gobyerno at Foreign Dignitaries, dumagsa sa ikalawang araw na burol ni FVR kahapon

Tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga opisyal ng gobyerno at mga Foreign Dignitaries sa ikalawang araw na burol ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos kahapon sa Heritage Park, Taguig City.

Kabilang sa mga dumalaw kahapon ay sina Senador Riza Hontiveros, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Berna Romulo Puyat, dating Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licunan, dating Senador Candidate Samira Gutoc, Apostolic Nuncio to the Philippines Arch. Charles Brown, Chinese Ambassador Marykay Clarson, Irish Ambassador William Carlos at mga Representatives mula sa bansa Singapore, Czech Republic at Timor-Leste.

Batay sa schedule na inilabas ng pamilya Ramos, naka schedule kahapon para bumisita sa burol ni FVR ang mga government officials, diplomatic corps, business community, civil society organization at ang Malacañang Defense at Foreign Press Corps noong Ramos Administration.


Patuloy naman ang paalala ng pamilya Ramos na hangga’t maaari doon sa mga magpapadala ng bulaklak ay magdonate na lamang sa mga Foundation na malapit kay FVR.

Tumugtog din ng Piano ang dating Unang Ginang na si Amelita Ming Ramos kabilang na ng paborito nilang kanta ni FVR na “You’ll never Know” at ilan pang Classical Song.

Facebook Comments