Manila, Philippines – Alas onse ngayong umaga aynakatakda ang pagdinig ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlementsa ginawa ng grupong KADAMAY na pwersahang pag okupa sa mga housing projects nggobyerno sa pandi, bulacan na nakalaan para sa mga pulis at sundalo.
Maliban sa mga opisyal ng KADAMAY, ay inimbitahan din ni CommitteeChairman Senador JV Ejercito, ang mga opisyal ng pamahalaan na kinabibilangannina:
Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCCChairman Leoncio Jun Evasco Jr., National Housing Authority General ManagerMarcelino Escalada Jr., National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Masa, PresidentialCommission for the Urban Poor Chairman Terry Ridon, PNP Chief Gen. Ronald BatoDela Rosa, AFP Chief General Eduardo Ano pati na rin ang mga pinuno ng Dept. ofInterior and Local Govt., Commission on Audit, Dept. of Social Welfare and Developmentat mga ahensyang konektado sa housing.
Kasama ding pinapaharap sa pagdinig si Bulacan GovernorWilhelmino Sy-Alvarado at Pandi Bulacan Mayor Celestino Marauez at San Jose DelMonte Bulacan Mayor Arturo Robes.
Layunin ng pagdinig na mabusisi ang umanoy pagpapabaya ngNHA sa ilang govt. housing projects, paggamit ng pondo para sa socializedhousing.
Aalamin din kung bakit nananatiling substandard,bitak-bitak at nakatiwangwang ang mga itinatayong housing units ng pamahalaan.
Nakasaad sa senate resolution 332 na inihain ni Ejercito naumaabot sa 60,000 housing units sa buong bansa ang bakante at nabubulok langkung saan 6,000 sa mga ito ang nasa Pandi, Bulacan.
Mga opisyal ng gobyerno at grupong KADAMAY, maghaharap sa Senado ngayong araw
Facebook Comments