Mga opisyal ng gobyerno, dapat pagbawalang gumamit ng “wang-wang”

Dapat na pagbawalan ang mga opisyal ng gobyerno na gumamit ng “wang-wang” sa mga pangunahing kalsada gaya ng EDSA.

 

Ito ang isa sa nakikitang solusyon ni Vice President Leni Robredo para maibsan ang problema ng matinding traffic.

 

Aniya, insulto ang wang-wang para sa mga ordinaryong mamamayan na araw-araw nakikibaka sa mga lansangan.


 

Dagdag pa ni Robredo mas nakakabahala sa tuwing sinasabi ng ilang opisyal ng gobyerno na walang ‘mass transport crisis’ sa bansa dahil tila kawalan aniya ito ng sense of urgency para masolusyunan ang problema.

 

Apela ng bise presidente, seryosohin ang pagsasaayos ng mass transport system.

Facebook Comments