Manila, Philippines – Hiniling ng isang grupo ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa puwesto ang mga tinagurian nilang mga dilawan at mga pulahan, opisyal ng gobyerno.
Sa isang pulong balitaan, tinukoy ni Prof. Melvin Mitra , Chairman ng Liga Independencia ng Pilipinas ang mga tinagurian nilang mga nakikipag kutsabahan para lalo lamang gumulo ang sitwasyon ng bansa kabilang na rito sina Liza Masa, Atty Terry Ridon, DOLE Usec. Joel Maglunsod, na tinagurian nilang mga pulahan.
Habang ang mga dilawan ay sina Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon, Chief Justice Maria Lourdes Serreno, at Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ayon kay Mitra, kailangang gumulong ang imbestigasyon laban sa mga dilawan, kasama na rito impeachment complaint laban kina Chief Justice Serreno at Ombudsman Carpio Morales habang marapat lamang ang grupo na magbitiw sa pwesto si Gascon,dahil sa taliwas ang paniniwala nito sa pinaigting na kampanya ng pangulong Duterte , sa ilegal na droga.
Ginagamit din umanong isyu ng mga tinaguriang dilawan at ga pulahan sa gobyerno, ang mga usapin ng independent foreign policy ng gobyerno, tension sa West Phil Sea, pagguho ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA NDF., problema sa MRT, at sa trapiko, kontratualisasyon, at kakarampot na umento sa sahod ng mga manggagawa upang pagningasin ang galit ng taong bayan laban sa gobyerno.