Mga opisyal ng gobyerno na posibleng sangkot sa pagtakas ni Alice Guo sa bansa, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa Kamara na agad magsagawa ng imbestigasyon sa posibleng pagkakasangkot ng ilang opisyal ng gobyerno sa pagtakas palabas ng bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Isinulong ito ni Brosas kasunod ng pagkaaresto kay Guo sa Indonesia.

Ayon kay Brosas, ito ay nagpapakitang mas higit na pinaprayoridad ng ating gobyerno ang mga dayuhang pamumuhunan kumpara sa kapakanan ng mamamayang pilipino.


Ipinunto ni Brosas na kailangang magkaroon ng pananagutan ang mga public official na tumulong o kaya ay nagbulag-bulagan sa mga krimen na may kaugnayan sa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operatod o POGO.

Higit pa rito ay pinapatiyak ni Brosas na mabibigyan ng gobyerno ng katarungan ang mga biktima ng POGO.

Facebook Comments