Manila, Philippines – Hindi pa batid ng Palasyo ng Malacañang kung magbabanggit ba si Pangulong Duterte ng ilang personalidad na sangkot sa iligal na droga sa kanyang State of the Nation Address o SONA sa darating na 24 ng Hulyo.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng tila nakalimutan nang Drug List ni pangulong Duterte na noon ay lagging ipinakikita ng pangulo sa tuwing siya ay nagtatalumpati.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mayroon talagang listahan ang Pangulo ng mga personalidad na sangkot sa operation ng iligal na droga pero hindi aniya niya alam kung ito ay kasama sa mga babanggitin ng Pangulo sa kanyang talumpati.
Matatandaan na isa ang paglaban sa iligal na droga sa mga pangako ni Pangulong Duterte sa kanyang unang SONA kung saan sinabi nito na tatapusin ang prolema sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan pero nang lumaon ay pinalawig ito ng Pangulo ng hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa pagsasabing hindi niya nakita na malaki talaga ang problema sa iligal na droga sa bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na droga, hindi pa alam kung mababanggit sa SONa ng pangulo
Facebook Comments