Visayas – Nagsagawa ng aerial survey ang ilang opisyal ng militar, malakanyang at lokal na opisyal ng Leyte sa ilang bahagi ng Visayas.
Ayon kay PNP Region 8 Spokesperson Chief Inspector Bella Rentuaya, alas dose ng tanghali kanina nang magsagawa ng aerial survey.
Layon nitong makita nang lubusan ang pinsalang dulot ng magnitude 6.5 na lindol.
Pagkatapos ng aerial survey, agad pinuntahan ng mga opisyal ang ilang ospital sa Leyte kung nasaan ang mga biktima ng lindol.
Sa kasalukuya,n nagsasagawa na rin ng damage assessment ang lokal na pamahalaan ng kanangga kung saan ideneklara ang state of calamity.
Habang patuloy na binabantayan ng mga pulis ang gumuhong commercial building sa kananga laban sa mga magnanakaw.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558