Mga opisyal ng Japanese at Philippine military, nagpulong

Sentro ng naging pulong sa pagitan ng Japanese at Philippine military ang lalo pang pagpapaigting sa ugnayan ng 2 militar.

Ito ay makaraang magpulong kahapon sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-staff Gen. Andres Centino at Japan Parliamentary Vice Minister of Defense Tsuyohito Iwamoto at Japanese Ambassador to the Philippines Kosikawa Kazuhiko.

Ayon kay Gen. Centino, nakatuon ang pulong sa pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Japan kasama na rito ang umiiral na defense cooperation agreement sa pagitan ng 2 bansa.


Gayundin ang usapin hinggil sa humanitarian assistance and disaster response, kooperasyon at pagtutulungan sa pagsasalin ng defense equipment.

Natalakay din sa pulong ang kontribusyon ng 2 bansa sa pagpapanatili at pagpapalakas ng kapayapaan at pagpapalakas ng democratic resilience ng Pilipinas at Japan.

Kasunod nito nagpapasalamat si Gen. Centino sa tulong ng Japan na air surveillance radar system acquisition project sa ilalim ng AFP Modernization program.

Facebook Comments