Mga opisyal ng KAPA Ministry, hindi pa nakakalabas ng bansa ayon sa DOJ

Naniniwala ng DOJ at ang Bureau of Immigration na nasa bansa pa rin si Pastor Joel Apolinario, Founder ng Kapa Minstry at ang iba pang mga opisyal ng Kapa na nahaharap sa reklamong  large-scale investment scam.

 

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, base  sa monitoring ng Immigration, wala pang anomang record sa database ng BI na lumabas ng bansa ang grupo ni Pastor Apolinario.

 

Nananatili namang naka-alerto ang Immigration para matiyak na hindi makakalabas ng bansa ang mga opisyal ng KAPA Ministry.


 

Una nang naglabas ang korte sa Davao ng Precautionary Hold Departure Order  laban Kay Pastor Apolinario, misis nitong si Reyna na tumatayong Corporate Secretary ng KAPA, at sa anim na iba pang KAPA officials kabilang na sina Margie Danao – board of trustee at mga opisyal na sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.

 

Una nang nagsampa ng reklamo sa DOJ ang Securities and Exchange Commission laban sa KAPA officials.

Facebook Comments