Pinadalhan na ng subpoena ng Department of Justice ang mga opisyal ng Kapa Community Ministry International Inc. (Kapa) na sangkot sa large-scale investment scam.
Inatasan na ni Asst. State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra ang mga respondents na magsumite ng kanilang counter affidavit sa itinakdang pagdinig sa July 5 at July 15 ganap na ala una ng hapon.
Kaugnay ito ng reklamong paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code na isinampa ng Securities and Exchange Commission o SEC.
Kabilang sa mga pinadalhan ng subpoena ng DOJ sina Kapa Founder Pastro Joel Apolinario, board of trustee na si Margie Danao, Corporate Secretary Reyna Apolinario at mga opisyal na sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.
Batay sa reklamo ng SEC, partikukar na nilabag ng Kapa officials ang sections 8 at 28 ng Securities Regulation Code.
Ito anila ay ang pagbabawal o pagbebenta ng securities nang walang registartion statement mula sa SEC.
Gayundin ang pagbabawal sa sinomang indibidwal o kumpanya na bumili o magbenta ng securites ng isang broker o dealer o salesman maliban kung sila ay rehistrado sa SEC.