Sa naging pagbisita ni PNP Deputy Chief Lt. General Michael John Dubria nitong Lunes, hinikayat ng opisyal ang bawat opisyal ng mga kada bayan sa Rehiyon uno, partikular na sa probinsya ng Pangasinan na dapat tutukan ng mga ito ang kanilang mga kasamahang pulis upang hindi mawalay ang mga ito sa tamang landas.
Ito ay upang maalis sa isipan ng bawat indibidwal na hindi dapat kinatatakutan ang mga pulis sa bansa kung saan ayon sa naging talumpati ng opisyal sa Pangasinan PPO kahapon na matagal na anilang sinisikap ng pambansang kapulisan na mas mapalapit pa sa publiko at hindi upang maging kaaway.
Dagdag pa niya na dapat kasangga ng publiko ang mga pulis sa lahat ng oras ngunit inamin naman ng opisyal na hindi maaalis sa isipan ng mga tao na may mga pulis na nagkakamali at nawawala sa landas na nagiging dahilan ng pagkawala ng tiwala ng mga ito sa kapulisan.
Ayon pa kay Dubria, na nasa kamay ng mga nakatalagang pulis na opisyal sa bawat bayan at lalawigan ang tungo sa mas magandang pamamalakad.
Idiniin ng opisyal na ang re-orientation at wastong paggabay ang sagot upang mabago ang sistema ng mga pulis na nawawalay sa landas. |ifmnews
Facebook Comments