Mga opisyal ng LTO at BOC, dapat ding imbestigahan ng ICI

Iginiit ni House Infrastructure Committee Lead Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ipatawag din sina Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II at Bureau of Customs (BOC) Head Commissioner Ariel Nepomuceno.

Ayon kay Ridon, dapat kasama sa silipin ng ICI kung paano nagkaroon ng “hot cars” o mga mamahalin pero kwestyonableng sasakyan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya at iba pang kontraktor na sangkot sa maanumalyang flood control projects.

Pangunahing inihalimbawa ni Ridon, ang sinasabing walong luxury cars ng mag-asawang Discaya na hinihinalang smuggled.

Sabi ni Ridon, kailangang madetermina kung may pananagutan ang mga opisyal ng LTO at BOC kung sa ilegal na pagpasok sa bansa, pagrehistro at paggamit sa naturang mga mamamahaling sasakyan ng mga Discaya at iba pang kontraktor.

Facebook Comments