Mga opisyal ng malalaking government hospitals, pinulong ni DOH OIC Vergeire kaugnay ng mga ipatutupad na pagbabago sa mga pagamutan

Pinulong ni Department of Health Officer-in-Charge (DOH-OIC) Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire ang mga opisyal ng malalaking government hospitals sa bansa.

Kabilang dito ang key officials ng Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center, at ng National Kidney and Transplant Institute.

Kasama sa napagpulungan ang hinggil sa infrastructure expansion, ang pagbili ng mga supply, at program expansion.


Napag-usapan din ang hinggil sa pagdagdag ng specialty care services sa mga pagamutan sa bansa kasabay ng pagpapatupad ng Universal Health Care.

Nagkasundo rin ang mga opisyal sa pag-improve sa maagang pagsusuri sa iba’t ibang mga sakit at kung paano ito maiiwasan.

Facebook Comments