Mga opisyal ng MTRCB, pinagbibitiw ng isang kongresista matapos payagan ang pagpapalabas ng Barbie film

Pinagbibitiw ni Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang mga opisyal o miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Panawagan ito ni Rodriguez matapos payagan ng MTRCB ang pagpapalabas ng pelikulang “Barbie” na ipinagbawal sa Vietnam dahil sa mga eksena na nagpapakita ng mapa na may nine-dash line ng China.

Para kay Rodriguez, ang hakbang ng MTRCB ay nagpapakita ng kabiguan na ipaglaban ang ating national interests.


Diin ni Rodriguez, ang pagpabor ng MTRCB sa kontrobersyal na pelikukang Barbie ay isang kahihiyan at pagmaliit sa Pilipinas at sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa buong international community.

Lalo pang nadismaya si Rodriguez na ang pasya ng MTRCB ay nataon pa sa paggunita ng ating panalo sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pabor sa atin at kontra sa pag-aangkin ng China sa bahagi ng South China Sea.

Facebook Comments