Mga opisyal ng MWSS, dapat seryosohin ang bantang pagsibak sa kanila ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senate President Tito Sotto III ang mga opsiyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na seryosohin ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila.

 

Ang tinutukoy ni Sotto ay ang nakaambang pagsibak ni Pangulong Duterte sa mga ospiyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa krisis sa tubig na nararanasan sa iba’t-ibang bahagi ng kamaynilaan at sa mga karatig na lugar na pawang sakop ng operasyon ng Manila Water.

 

Paalala ni Sotto, mabigat kapag nagbanta si Pangulong Duterte at nasa lugar ang galit nito dahil marami ang napeperwisyo ng nagpapatuloy na problema sa suplay ng tubig.


 

Binigyang diin ni Sotto na bahagi ng tungkulin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na siguraduhin ang sapat na suplay na tubig at paghandaan ang paglaki ng pangangailangan dito lalo na sa panahon ng tag-init.

Facebook Comments