MANILA – Ipinatawag ngayong araw ng Malakanyang ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para pag-usapan ang naganap na halos limang oras na blackout sa NAIA Terminal 3 noong Sabado.Sa interview ng RMN kay Transportation and Communications Secretary Jun Abaya, humingi ito ng sorry sa mga pasaherong naabala dahil sa pagpalya ng generator sets sa paliparan.Pero hinamon ni Abaya ang pasahero na umanoy nawalan ng dalawang cellphone sa kasagsagan ng blackout na mag-file ng pormal na reklamo para maaksyunan ang insidente.Tiniyak ni Abaya na pina-iimbestigahan na niya kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado ang ilang ulat na pagkawala ng gamit ng ilang pasahero.Una nang napa-ulat na dalawang bagahe ng balikbayang si Cecilio Gresos ang wasak na ng kanyang makuha at nawala ang kanyang mamahaling gamit tulad ng cellphone.Ganito rin ang reklamo ng iba pang pasahero sa kanilang sinapit mula sa umanoy bukas maleta gang sa loob mismo ng paliparan.
Mga Opisyal Ng Naia, Ipinatawag Ng Malakanyang Matapos Ang Halos Limang Oras Na Blackout
Facebook Comments