Mga opisyal ng NTF-ELCAC, dapat ng palitan

Para kay Senate President Tito Sotto III, dapat ng palitan ang mga Tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na sina Army General Antonio Parlade Jr., at Undersecretary Lorraine Badoy.

Pahayag ni Sotto bunga ng pagkadismaya sa pagkumpara ni Parlade sa mga community pantry sa pagbibigay ng prutas ni Satanas kay Eva.

Ipinunto ni SP Sotto na kapag ba tumatanggap ng donasyon sa mga simbahan ay tinatanong pa ba kung saan nanggaling ang pera.


Pinaalala naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na noon pa ay kanya ng inirekomenda na alisin si Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC dahil labag sa konstitusyon na humawak ng civilian position ang mga nasa aktibong serbisyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Giit naman ni Senator Richard Gordon mas mainam na bumalik na lang sa militar si Parlade sa halip na ipagpatuloy ang pangha-harass at pagsasagawa ng red-tagging.

Ayon kay Gordon, ang ginagawa ni Parlade ay isang kahangalan, kahihiyan, paglabag sa freedom of expression na maihahalimbawa sa China na nanunulak ng maliliit.

Facebook Comments