Mga opisyal ng pamahalaan na walang ginagawa, dapat ng kastiguhin – VACC

Naniniwala ang Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC), ang incompetence o walang sapat na kakayanan gampanan ang kanilang tungkulin ay isang uri na ng kurapsyon.

Ayon kay John Rana ng VACC, binabayaran ng taumbayan ang mga opisyal ng gobyerno at kung hindi ito nasusuklian sa pamamagitan ng tamang serbisyo sa publiko ay sapat na itong basehan para maituring na nasasayang ang pondo ng bayan.

Sa balitaan sa Tinapayan media forum, sinabi ni Rana na dapat ay magkraoon ng zero tolerance sa mga incompetent officials ng pamahalaan.


Sa pamamagitan nito ay maayos ang sistema ng bansa at magreresulta sa mas magandang persepsyon sa Pilipinas ng internation community.

Bukod dito, maaari ring mauwi ito sa mas maraming foreign direct investment o mga dayuhan na nais mamuhunan sa bansa dahil nakikita nila na uunlad ang kanilang negosyo dahil napipigilan ang kurapsyon.

Giit pa ni Rana, papanagutin din sa batas ang mga nakaupong opisyal na wala naman ginagawa at hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang trabaho

Facebook Comments