
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga opisyal ng pamahalaan sa paglalabas ng pahayag hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Ma. Theresa Lazaro, dapat naaayon sa rules ang statement ng mga opisyal ng pamahalaan.
Dapat din aniyang isaalang-alang ng mga opisyal ng pamahalaan na ang pangulo ng bansa ang arkitekto ng foreign policy.
Sa kabilang dako, sinabi ni Lazaro na kung isang mamamahayag ang maglalabas ng opinyon sa nasabing usapin, pasok aniya ito sa freedom of expression basta’t huwag lamang lalagpas sa parameter ng batas.
Facebook Comments









