Manila, Philippines – Naniniwala si BOC Commissioner Isidro Lapeña na malaki ang maitutulong ng mga dati niyang mga kasamahang opisyal sa PDEA para masugpo mga tangkang ipuslit ang iligal na droga sa BOC.
Ayon kay Lapeña,hiniling na niya kay pang Duterte na maitalaga si PDEA-NCR Chief Wilkins Villanueva na Director ng Customs Intelligence and Investigation Service o CIIS kapalit ng nagbitiw na si Col.Neil Estrella.
Kabilang pa sa bibitbitin ni Lapeña ay sina PDEA Deputy Director General for Operation Gen. Ricardo Quinto at PDEA Director for Plans and Operations Service Gladys Rosales na kapwa itatalagang deputy commissioners ng BOC.
Bukod sa tatlong nabanggit,may iba pang mga taga-PDEA ang ipapasok ni Lapeña sa BOC pero hindi pa muna niya ito pinangalanan.
Nilinaw ni Lapena ang paglalagay niya sa mga taga PDEA sa BOC ay dahil sa Intelligence report nila sa PDEA na 70 percent ng ilegal na droga ay naipapasok sa pamamagitan ng Seaport at sa BOC.
Hihigpitan na rin ang pagdaan ng mga shipment sa greenlane.
Paliwanag ni Lapeña na kahit sa greenlane idadaan ang mga produkto ay bubusisiin pa rin ito ng BOC.
Idinaan sa greenlane ang 6.4B pesos na halaga ng shabu mula sa China na ngayon ay sentro ng kontrobersiya at naging dahilan ng pagbibitiw ni Nicanor Faeldon bilang Customs Commissioner at iba pang opisyal.