Sinuportahan ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ang pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hanggang Hunyo 30 makukulong sa Pasay City Jail ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Mohit Dargani at Linconn Ong.
Paliwanag ni Gordon, maaring pakawalan sina Dargani at Ong sa huling araw ng 18th Congress at ayun ay sa June 30.
Ang pahayag ni Gordon ay akma sa katwiran ni Drilon na ang ang third regular session ng kongreso ang magsasara sa Hunyo 3 at sa hunyo 30 pa tuluyang magsasara ang kasalukuyang 18th Congress.
Ang posisyon nina Gordon at Drilon ay taliwas naman sa sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magsasara ang 18th Congress sa Hunyo 3 na siyang sine die adjournment kaya titigil na ang Senado sa pag-function bilang Senado.
Magugunitang mula sa pagkakabilanggo sa Senado ay isinulong ng Senate Blue Ribbon Committee na mailipat sa Pasay City Jail sina Dargani at Ong noong Nobyembre 2001.
Ito ay dahil para sa komite, posibleng nagsisinungaling sila at paiwas sa pagsagot sa mga tanong ukol sa umano’y pagbili ng gobyerno ng overpriced na pandemic supplies bukod sa hindi rin nila naisumite ang hinihinging dokumento ng komite.